Negosasyon sa water companies pinarerepaso CONCESSION AGREEMENT ANYARE? – SOLON

PINARE-REVIEW sa mababang kapulungan ng Kongreso ang negosasyon sa Concession Agreement ng water concessionaires dahil mistulang nakalimutan na ang nasabing usapin.

Sa kanyang resolusyon, inatasan ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang House Committees on government enterprises and privatization at good government and public accountability na magsagawa ng imbestigasyon para alamin kung ano na ang nangyari sa negosasyon sa pagitan ng Department of Justice (DOJ), Manila Water at Maynilad hinggil sa concession agreement sa mga nabanggit na kumpanya ng tubig.

“In the interest of ensuring the best services for the Filipino people, and to further avoid any onerous contractual situations with the concessionaires, further consultation and good governance oversight must be conducted prior to the approval and signing of the new drafts,” ayon sa House Resolution (HR) 1664 na inakda ni Herrera.

Magugunita na kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Maynilad at Manila Water nang magkaroon ng aberya ang serbisyo ng mga ito noong 2019 na nagdulot ng water shortage sa Metro Manila.

Dahil dito, inatasan ni Duterte ang DOJ na baguhin ang concession agreement na pinasok ng gobyerno noong 1995 sa mga nabanggit na kumpanya lalo pa’t pawang pabor lang sa mga ito ang nasabing kasunduan.

Kasama ng DOH ang mga kinatawan mula sa Office of the President (OP), Department of Finance (DOF), Office of the Solicitor General (OSG), at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) sa negosasyon sa concession agreement.

Noong Nobyembre 2020, sinabi umano ni Justice Secretary Menardo Guevarra na “approved in principle” na ni Duterte ang bagong kasunduan subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito isinasapubliko. (BERNARD TAGUINOD)

190

Related posts

Leave a Comment