REPRODUCTION RATE NG COVID-19, BUMABA – OCTA

BUMABA sa 1.91 porsyento ang reproduction rate ng corona virus disease 2019 (COVID-19), ayon sa OCTA Research Group.

Sabi ng OCTA, ang reproduction number ay dapat manatiling mas mababa sa isang porsiyento bilang katibayan na napakabagal ng hawaan ng COVID-19 sa bawat tao.

Ngunit, idiniin ng OCTA na “masyadong maaga upang sabihin na ito ay panibagong simula ng downward trend sa reproduction number, [partikular sa] National Capital Region (NCR) na nasa ilalim ng general community bubble”.

Ayon sa grupo, ang positivity rate sa NCR ay 18 porsiyento sa nakalipas na pitong araw.

Idiniin nito na lumampas na sa benchmark na 5 porsiyento na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng tao na nagpositibo mula sa lahat ng nagpa-test. virus. (MARINHEL T. BADILLA)

130

Related posts

Leave a Comment