Q PASS IPATUTUPAD MULI SA MAYNILA

MULING ipatutupad ng Lungsod ng Maynila ang quarantine pass para makatiyak na ang lalabas lamang ng bahay ay tunay na may mahalagang pakay sa panahon ng enhance community quarantine na magsisimula ng madaling araw ngayong Lunes, Marso 24 hanggang Abril 4, Linggo.

Dahil dito, inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay na ipaalam sa mga barangay chairman kung paano ang implementasyon ng quarantine pass.

Batay sa memorandum na inilabas ni Bagay, lahat ng punong barangay sa lungsod ng Maynila ay inatasang mag-isyu ng isang quarantine pass kada pamilya

Magpapatupad umano ng odd-even coded format ng quarantine pass para sa schedule ng paglabas.

Ang may hawak ng odd numbers (1-3-5-7-9) ay makalalabas ng Lunes, Miyerkoles at Biyernes ng mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi at kapag Linggo ay alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-11:00 ng umaga.

Habang ang may hawak ng even numbers (1-4-6-8-0) ay makalalabas ng Martes, Huwebes at Sabado mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng gabi at kapag Linggo naman ay mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-6:00 ng gabi.

Pinapayagan naman na makalabas ng bahay ang essential workers at iba pang empleyado ng pamahalaan batay sa guidelines na inilabas ng IATF.

Samantala, inanunsyo ng alkalde na nakapagtala ang lungsod ng 837 bagong mga kaso ng COVID-19 hanggang noong Sabado.

Marami umano sa mga nagpositibo ay na-detect na bagong variants. (RENE CRISOSTOMO)

234

Related posts

Leave a Comment