KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi malalagay sa peligro ang buhay ng pulis at militar sa isasagawa nilang house to house search para sa COVID positive persons lalo pa’t ayon sa Philippine Natinoal Police (PNP) ay may 2,000 COVID-19 cases na silang naitala kada araw mula noong nakalipas na linggo.
Tiniyak ni Presidential spoksperson Harry Roque, ang mamumuno sa house-to-house search ay health officers ng Department of Health (DoH) at hindi ang mga pulis at sundalo.
“Iyong Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) na tinatawag ay mga health officers natin at mga DOH personnel ‘no. Mayroon lang po silang support. So kaya nga po importante, lahat ng mga health personnel natin, lalo na iyong mag-ku-CODE house-to-house, ay magpabakuna na po,” paliwanag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)
174
