Kaya may mga nag-panic buying PALASYO INUNAHAN NG ‘EPAL’ LGUs

PATAY-MALISYA na lang ang Malakanyang sa tila naging paunahan ng ilang nasa Local Govenment Units (LGU) sa pag-aanunsiyo nitong weekend sa muling pagsasailalim sa NCR at ilang mga lalawigan sa ECQ.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, marami namang bago sa kanyang naging announcement bagama’t may tama rin naman sa ilang nagpalabas nang mas maagang anunsiyo.

Iyon nga lamang dapat ay “secret sana” at talagang confidential ang patungkol sa classification ngunit, ayon ay Sec. Roque ay sadyang nagli- leak pa rin.

Aniya, dapat tandaan na ang anomang napagkakasunduan sa IATF ay subject to change dahil ang ang final approval ay nasa presidente.

Magugunitang, makaraang kumalat ang ilang post na magdedeklara ng ECQ ang pamahalaan ay humangos na ang marami sa mga pamilihan at supermarket na tila nag-panic buying. Tiniyak ng Malakanyang na walang dahilan para maalarma dahil walang magsasarang grocery establishments o palengke habang umiiral ang ECQ. (CHRISTIAN DALE)

165

Related posts

Leave a Comment