12 ECQ VIOLATORS HULI SA ZAMBALES

ARESTADO ang 12 indibidwal dahil sa paglabag sa ipinatutupad na health protocols sa inilatag na quarantine checkpoints ng Zambales Police Provincial Office.

Ayon sa Zambales PPO, sa pamumuno ni P/Col. Romano V. Cardiño, provincial director, noong Marso 28, dakong alas-6:00 ng gabi, naglatag ang PNP-Zambales team na kinabibilangan ng Police Patrol ID Palauig MPS, sa pangunguna ni P/Lt. Jesus M. Rendon, OIC, Palauig MPS, ng routinary patrol sa kanilang hurisdiksyon sa Km 5, Mount Tapulao, Sitio Dampay, Brgy. Salaza, Palauig, Zambales.

Habang nagpapatrolya, nakatanggap ang mga awtoridad ng mobile call mula sa isang concerned citizen at iniulat na isang grupo ng mga indibidwal ang gumagala sa Mount Tapulao (kilalang tourist spot sa Zambales) na sinasabing mula sa NCR bubble area.

Makaraang makumpirma ng Palauig MPS, agad tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar at natunton ang grupo ng mga indibidwal habang lulan ng isang Nissan Grandia, metallic gray color, na may plakang NDJ-4607.

Sa isinagawang interogasyon hinggil sa pakay nila sa lugar, nabigo ang mga ito na magpakita ng mga dokumento na iniutos ng IATF hinggil sa health protocols at sa iba pang requirements mula sa NCR bubble plus para makabiyahe sa kalapit na mga lalawigan.

Bunsod nito, inaresto ang mga indibidwal dahil sa paglabag sa Art. 151 (Disobedience) sa ilalim ng RPC, RA 11332 in relation to violation of Executive Order No. 05, Series of 2021 (Sec. 3) ng Provincial Ordinance No. 3020-41 (Sec. 1).

Kinilala ang mga lumabag sa health protocol na sina Carlo Joy Miranda y Salvo, 34; Ian Cuevas y Genova, 24; Mark Jason Dumanon y Arnuza, 24; Maynard Cabrerra y Armada, 24; Ferdinand Cabangbang Jr. y Lomangaya, 25; Kevin Enrera y Pecayo, 28; Jericho Dacanay y Pangilinan, 27; Dianne Encontro y Pergin, 30; Jaeydaen Torroliza y Castillo, 22; Mark Labuguin y Dayos, 26; Eldon Plaza y Reario, 24, at Kevin Gapilango, 25-anyos.

 

196

Related posts

Leave a Comment