KAILANGAN nang bilisan ng health authorities ang assessment sa saliva-based coronavirus testing para makatulong na madagdagan ang pagsisikap ng bansa na makapag-detect at magamot ang taong may sakit.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, makatutulong ang saliva-based testing na maisulong ang testing effort ng bansa para makamit ang 90,000 hanggang 100,000 daily tests.
Sa kasalukuyan, ang ginagamit lamang ng bansa ay polymerase chain reaction (PCR) test, itinuturing na gold standard sa coronavirus testing at maging ang rapid antigen tests para ma-diagnose ang mga taong infected ng nasabing sakit.
Idagdag pa rito ang paggamit ng antigen test, sa huling IATF (Inter-Agency Task Force) meeting ay isang apela ang ipinaabot sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine) para i- validate sa mabilisang paraan ang saliva PCR test, dahil ang saliva PCR test ay kalahati ang halaga sa normal PCR test.
“And what we are aiming of course is to double the number of PCR test that we are conducting and because if it was half as expensive as the normal PCR, then we can do a 100,000 instead of the current 50,000 in addition to antigen test,” anito.
Sa ulat, pinag-aaralan pa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang accuracy ng saliva test bilang alternatibo sa RT-PCR test para sa COVID-19.
Kasunod ito ng inisyatibo ng Philippine Red Cross (PRC) sa pagsasagawa ng drive thru RT-PCR saliva test. (CHRISTIAN DALE)
185 