HUMILING ng panalangin ang mga anak ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos lumala umano ang kanyang kalagayan dahil sa pneumonia kaya naka-intubate na ito.
“Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened. Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation,” ayon kay dating Sen. Jinggoy Estrada.
Magugunita na itinakbo sa ospital si Estrada noong isang linggo (Marso 28) matapos magpositibo sa COVID-19 subalit hindi umano malala ang kanyang kalagayan kaya hindi ito inilagay sa Intensive Care Unit (ICU).
Subalit nitong Abril 4 ay inilipat na ito sa ICU para sa high flow oxygen support pero hindi pa nangailangan ng ventilators.
Kinabukasan, Abril 5, ay lumala umano ang pneumonia ng dating pangulo kaya nilagyan na ito ng mechanical ventilator.
“This was done to improve oxygen delivery as well as to prevent the tiring of his respiratory mechanism,” ayon sa batang Estrada.
“My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle. Pls continue praying for his immediate recovery,” dagdag pa ng dating senador.
Maging ang isa pang anak ni Estrada na si dating Sen. JV Ejercito ay humingi ng panalangin para sa ama na naging mayor din ng lungsod ng Maynila.
“Prayers for my Dad guys. He is in stable but guarded condition in the ICU. But intubated already,” ani Ejercito. (BERNARD TAGUINOD)
250 