TINAPOS ng isang bumbero sa Liliw, Laguna ang kanyang buhay matapos tamaan ng depression sa hinalang siya ay may sakit na COVID-19.
Kinilala ng Liliw police ang biktima na si SFO4 Richard Torres, residente ng Barangay Ilayang Palina.
Batay sa report, napansin ng asawa ng biktima na isa ring bumbero na nawawala ang kanyang mister kaya hinanap niya ito sa mga kapitbahay subalit hindi natagpuan nitong Biyernes ng umaga.
Napansin lamang nito na bukas ang pinto ng kanilang garahe at nang silipin ay nakita ang wala nang buhay na biktima na nakabitin gamit ang lubid.
Nakita rin ang suicide note nito na may nakasulat na “Cremate no Burol, libing nyo ako agad, sorry nay”.
Ayon sa misis, nitong mga nakaraang araw ay tila dumanas ng depresyon ang kaniyang mister at ayaw lumapit sa kanila sa hinalang positibo siya sa COVID-19. (NILOU DEL CARMEN)
1641 