81 AMBULANSYA IBIBIGAY SA MGA PROBINSYA

TATANGGAP ng mga ambulansya ang 81 provincial hospitals sa bansa mula sa Pitmaster Foundation kapag natapos na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz, “actually nai-deliver na ang apat na ambulances sa ilang lalawigan. Unfortunately, naabutan lang tayo ng ECQ”.

Sinabi ni Atty. Cruz, naipamahagi na ang apat na ambulansya sa Culion sanitarium sa Culion, Palawan; sa Batangas Provincial Hospital, Batangas City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital, Legaspi, Albay; at sa Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan, Eastern Samar.

Nasa 78 ambulansya pa aniya ang nakatakdang ipamahagi ng foundation kabilang na sa Southern Leyte Provincial Hospital, Ilocos Norte Provincial Hospital, Gov. Faustino Dy Sr. Memorial hospital, at sa Marinduque Provincial Hospital at iba pa.

Ani Cruz, “Gusto kasi ng aming chairman na si Charlie “Atong” Ang na makatulong ang aming foundation sa immediate transfer and treatment ng mga tinamaan ng COVID sa mga lalawigan”.

“Pinag-uusapan na rin ng aming board na tulungan ang national government na makabili ng karagdagang COVID-19 vaccines para sa mahihirap nating mga kababayan,” dagdag pa ni Cruz. (CESAR BARQUILLA)

ISA sa 81 ambulansya na ipamamahagi ng Pitmaster Foundation sa mga provincial hospital para maghatid ng COVID patients at iba pang may sakit.

495

Related posts

Leave a Comment