DINAPUAN ng COVID-19 ang dating actress at ngayo’y 3rd District Board member ng Laguna na si Angelica Jones o si Angelica Alarva sa tunay na buhay.
Nahawaan din ng COVID-19 ang 62-anyos na ina ni Jones na si Beth at 8-anyos nitong alak.
Kasalukuyang nagpapagaling sa San Pablo City District Hospital ang mga ito habang ang ina ay nasa Intensive Care Unit ng nasabing ospital.
Symptomatic si Jones na nang makaramdam ng hirap sa paghinga ay agad nagtungo sa ospital upang magpa-confine.
Sinabi nito na puno na rin ang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19 kung kaya’t “Nag-suob muna kami ng mainit na tubig. Pero nun nahihirapan na ako huminga, nag-decide na kami pumunta sa ospital,” ayon sa dating aktres.
Humingi naman ng panalangin si Jones para sa ikagagaling ng kanyang ina dahil bumababa na umano ang oxygen level nito.
Hinala ni Jones, maaaring nakuha ng mga ito ang sakit mula sa tagalinis ng kanilang bahay. (CYRILL QUILO)
