MULING tumaas ang COVID-19 positivity rate ng Quezon City sa 26 porsyento sa pinakahuling ulat ng OCTA Research ng University of the Philippines (UP).
Ayon sa OCTA Research, mas mataas ito sa pamantayan ng World Health Organization na 5%.
Ipinapakita nito ang dami ng nagpopositibo mula sa isinasagawang testing.
Umabot sa tinatayang 4,000 ang testing capacity ng Quezon City sa nakaraang linggo.
Samantala, inihayag naman ng OCTA Research na bahagyang bumaba ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.
Batay ito sa April 12 na datos ng Department of Health (DOH) at City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Ang Reproduction Number o R0 ng Quezon City ay 1.48. Bahagyang bumaba mula sa nakaraang linggo.
Ipinapakita ng numerong ito kung gaano kalala ang pagkahawa mula sa virus.
Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa o magdulot ng bagong infection. (JOEL O. AMONGO)
144 