UMIWAS SA TRIKE, RIDER PATAY SA TRUCK

DAHIL sa pag-iwas sa isang tricycle, nawalan ng panimbang at pumailalim sa dump truck ang isang 22-anyos na rider at nagulungan na nagresulta sa pagkamatay nito sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktimang si Edhel John Otico, binata, ng #108 Pacheco St., sakop ng Brgy.110 sa Tondo.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng truck na si Jake Lopez y Maraquizo, 38, may asawa, residente ng Blk. 74, Lot 17-A, San Isidro 3, E. Rodriguez, Rizal, dating Montalban.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Ssgt. John Mark Estrada kay P/Capt. Jaime Gonzales, hepe ng Manila Traffic Investigation Unit, bandang

alas-12:30 ng tanghali noong Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa panulukan ng Raxabago at Angat streets sa Tondo.

Habang tinatahak ni Otico ang eastward ng Raxabago St., nang bigla umanong mag-overtake ang isang tricycle.

Dahil dito, umiwas ang biktima ngunit nagpagewang-gewang ang kanyang motorsiklo at pumailalim sa truck.

Nagulungan ng truck ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito noon din. (RENE CRISOSTOMO)

455

Related posts

Leave a Comment