6 TULAK TIMBOG SA 18 KILO NG SHABU

UMABOT sa 18-kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at AFP Intelligence Groups sa inilunsad na anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim katao, kabilang ang isang menor de edad, sa 134-E C.  Tionquiao St., Gatchalian Subdivision, Las Piñas City.

Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, kabilang sa mga nadakip sina Reyano T. Oraid, Khen T. Moreno, Efren M. Mangona, Abdulmunir M. Addin alyas Shay, An A. Mokamad at isang menor de edad na estudyante

Nasamsam sa pinagsanib na drug operation ng PDEA Regional Office-NCR RSET 1 at RSET 2, AFP Taskforce NOAH, AFP MIG 21, ISAFP, MIG 46 ISAFP, NICA NDO, SDO, PDEA Region 4A, Cavite PO, PDEG SOU 4, PNP Parañaque Sub-Stn 3, ang 18 kilo ng shabu na tinatayang may street value na aabot sa P122 million.

Ikinasa ang buy-bust operation bandang alas-10:30 noong Miyerkoles ng umaga.

Kabilang sa nakumpiskang mga ebidensya ang isang Oppo smart phone, isang unit ng Samsung keypad phone, isang unit na pearl white Mitsubishi Expander with plate number NFU 8599 with key, isang unit na red KIA RIO with plate number EG 28-74 with key, IDs at ang ginamit na buy-bust money.

Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit na sa jail facility ng PDEA National Headquarters sa lungsod Quezon. (JESSE KABEL)

209

Related posts

Leave a Comment