100K NG BAGONG BATCH NG SINOVAC UUBUSIN SA MM

PUNTIRYA ng gobyerno na ubusin ang mga dumating na 500,000 doses ng Sinovac vaccine sa loob lamang ng isang linggo.

Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez, ilalatag nila ang deployment ng dalawa hanggang tatlong araw.

Tinatayang 100,000 ng 500,000 doses ng Sinovac ang mapupunta sa Metro Manila.

“Matatapos po ito within 2 to 3 days ang deployment at inaasahan po natin na iyong administration nito is within 1 week matatapos po kaagad,” ayon kay Galvez.

Sa kabilang dako, tuloy- tuloy pa rin ang pagdating ng bakuna galing ng China.

Sinasabing sa Mayo ay 2 milyong doses ng Sinovac ang inaasahan darating sa bansa bukod dito ang pagdating ng iba pang brand gaya ng Sputnik V ng Gamaleya sa Russia, Pfizer ng Amerika at iba pa. (CHRISTIAN DALE)

244

Related posts

Leave a Comment