SAMPU pa ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Abril 24, ayon sa health offices ng nasabing mga lungsod.
Napag-alaman, anim ang namatay sa Caloocan City at lumobo sa 1,956 ang active cases. Pumalo na sa 24,964 ang total confirmed cases, sa bilang na ito ay 22,295 na ang gumaling at 713 na ang namatay.
Umakyat naman sa 387 ang COVID death toll sa Malabon City matapos na dalawang pasyente ang namatay.
Bukod dito, 81 ang nadagdag na confirmed cases at 11,833 na ang positive cases, 645 dito ang active cases. Habang 51 ang gumaling at 10,801 na ang total recoveries.
Dalawa ang namatay dahil sa pandemya sa Navotas City at 786 ang active cases matapos na 53 ang gumaling at 41 ang nagpositibo.
Sumampa na sa 10,131 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa bilang na ito ay 9,027 na ang gumaling at 318 na ang namatay.
Walang iniulat na namatay sa Valenzuela City at 1,59 ang active cases matapos na 497 ang gumaling at 326 ang nagpositibo.
Umakyat na sa 16,581 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 15,129 na ang gumaling at 393 na ang namatay. (ALAIN AJERO)
143
