Ordinansa rerepasuhin ng DILG at LGUs ‘DI TAMA MAGSUOT NG FACE MASK HUHULIHIN

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapulisan na hulihin at ikulong sa istasyon ng pulis ang mga pasaway na hindi isusuot nang maayos ang face mask sa pampublikong lugar.

Nais din ng pangulo na imbestigahan ang mga ito at panatilihin ng 9 oras sa police station.

Sa kanyang Talk To The People, sinabi ng Chief Executive na ang face mask ay “critical need” para mapigil ang pagsirit ng COVID-19 cases.

“My orders to the police, those who are not wearing their masks properly in order to protect the public… to arrest them and detain them, investigate them why they are doing it,” ayon kay Pangulong Duterte.

Makailang ulit nang napapaulat na marami pa rin ang nakakalimot magsuot ng face mask o may suot nga, ngunit nasa ilalim naman ng baba.

Kaugnay nito, makikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Local Government Units (LGUs) para sa mga alintuntunin sa paghuli sa mga indibidwal na hindi nakasuot ng face mask.

Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, kailangan nilang makipag-usap sa LGUs at PNP para mabusisi ang mga ordinansa.

Kakausapin din nila ang PNP para matukoy ang parameters ng direktiba ni Pangulong Duterte.

Binigyang-diin ni Malaya na ang mga lokal na ordinansa ang nalalabag kaya kailangan din nilang tingnan kung paano nila maipatutupad ang direktiba ng pangulo. (CHRISTIAN DALE)

140

Related posts

Leave a Comment