SUPALPAL ang isang ambisyosong abogado sa Bureau of Immigration (BI) makaraang lumiham ang kanyang grupo kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na maglabas ng Department Order na siya’y italaga bilang Chief Personnel ng ahensya.
Si Atty. Archimedes Cano ay itinalaga ni BI Commissioner Jaime Morente bilang pansamantalang hepe ng Personnel makaraang kasama sa mga nabigyan ng 6 months preventive suspension ng Office of the Ombudsman si dating Port Operations Division Chief, Grifton Medina at iba pa nitong kasama.
Ayon sa nakuha nating dokumento mula sa ating tropang naka-assign sa DOJ, naglabas ng Department Order number 097 si Secretary Guevarra noong May 17, 2021.
Sa halip na paboran ni Guevarra sina Cano ay nagdesisyon ang kalihim na ibalik bilang BI- Acting Chief ng Personnel si Medina at ibalik si Cano sa kanyang mother unit sa Board of Special Child este Inquiry pala ((BSI).
Matatandaang napulitika sa tinaguriang Pastillas Scheme itong si Medina matapos na isiwalat ng mga whistle blower ang diumano’y katiwalian sa Visa Upon Arrival sa NAIA.
Pero ang sabi-sabi, isang palabas lamang daw ito dahil mayroong ginagawang kampanya laban sa katiwalian upang makaporma ang isang malaking sindikato na nagpapatakbo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bagama’t hindi ko naman kilalang personal itong si Grifton Medina ay nasubaybayan natin ang pamamalakad nito noon sa airport kung saan ay maraming nainggit at nagtangkang makuha ang kanyang puwesto.
Isa na rito si alias Macho Chiquito na siyang utak umano upang siraan ang ahensya sa Senado at nagbenta pa ng impormasyon ngunit sa huli ay nabigo na makuha ang kanyang gusto kahit pa gumamit ito ng mabibigat na padrino.
Naging kalmado rin noon si Medina ng isang Immigration Officer na si Cecile Marin ang nag upload sa social media habang lasing at pinagmumura ang kanyang superior officer na isang paglabag sana sa Code of Ethics bilang public servant.
Sino kaya ang may pakana sa Office of the Commissioner na hilingin kay Guevarra na si Cano ay panatilihing hepe ng personnel?
May kinalaman kaya ang Bisayang Kalbo na si MANG GORIO na BF o Bespren ni Cano sa BSI?
Abangan ngayong linggo ang Live Streaming ng Bistador!
Para sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410
280 