TALK TO THE PEOPLE NI DUTERTE NGAYONG GABI, POSTPONED ULIT

SA ikalawang pagkakataon ay muling ipinagpaliban ang nakatakda sanang Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong gabi.

Kadalasan kasi ay isinasagawa ang Talk To The People ng pangulo tuwing Lunes, subalit ipinagpaliban ito para ngayong Martes.

Ngunit ipinagpaliban itong muli para bukas, Miyerkoles.

Ang dahilan ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinangunahan ni Pangulong Duterte ang event sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon (Lunes) kung saan natapos ang event ng madaling araw.

“Na-move pong muli. It was initially scheduled for tonight, pero mamo-move po siya for tomorrow,” ayon kay Sec. Roque.

“I think the reason po is nakauwi na kami from Dumaguete — ako, ala-una na — so medyo puyat po lahat ngayon, including ‘yong mga tao po sa OP (Office of the President),” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

314

Related posts

Leave a Comment