WALA umanong nangyaring agawan ng baril hinggil sa pagkakabaril at pagkamatay ng isang 18-anyos na autistic na si Erwin Arnigo sa Valenzuela City, taliwas sa unang ulat ng pulisya.
Gayunman, sinabi ng testigo na aksidente ang pagkakabaril ng pulis na si P/Senior Master Sergeant Christopher Salcedo sa biktima, ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.
Idinagdag ng alkalde, hinuli rin ang saksi ng nasabing pulis kasabay ng paghuli at pagkabaril sa biktima.
Sa madaling-sabi ay walang pagpapambunong nangyari, at binigyang-diin na literal na isang dipa lang ang layo ng saksi kay Arnigo nang mangyari ang insidente.
Bukod dito, hindi umano sa tupadahan nangyari ang insidente kundi ilang metro mula rito, ayon pa sa saksi na nagbigay na ng salaysay sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). (ALAIN AJERO)
198
