DRUG SUSPECT HULI SA TROPA NI ESTOMO

ANG malawak na karanasan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang siyang nagpataas ng kanyang ranggo at ang matagumpay niyang pagganap sa tungkulin ay kanyang nakamit sa pamamagitan ng pagpapatupad nito.

Patunay rito ang isa namang matagumpay na operasyon ng PNP-PRO5 na nagresulta sa pagkakadakip kay Felmark Nava y Calolot alyas “Papatay” na suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa ulat, noong Huwebes, Mayo 28, dakong alas-11:20 ng madaling araw, ipinatupad ng Batuan MPS-PRO5 sa pangunguna ni P/SSgt. Roberto R. Alforte Jr., ang subpoena at warrant of arrest na inisyu ni Hon. Arturo Clemente B. Revil, presiding judge ng RTC Branch 50, 5th Judicial Region, San Jacinto, Masbate na may petsang Mayo 24 ngunit walang inirekomendang pyansa para arestadong suspek.

Ang arestadong suspek ay nasa pansamantalang kustodiya ng Batuan MPS lock-up jail.

121

Related posts

Leave a Comment