CHINESE WANTED SA PAGKULONG SA KASAMBAHAY

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang Chinese national matapos na ireklamo ng kasambahay na umano’y ilegal na ikinulong nito sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas Jason, POGO assistant manager at nanunuluyan sa Shuangma Industrial Park Building A, Room 518, Molino Boulevard, Brgy. Niog 3, Bacoor City, inireklamo ng illegal detention ng kasambahay na si Michelle Sapa, 27-anyos.

Ayon sa reklamo ni Sapa kay P/SSgt. Francis Mark Cortez ng Bacoor City Police, dakong alas-9:21 noong Huwebes ng gabi nang tawagan siya ng kanyang employeer na si alyas Zebra na umano’y tinanggal na siya sa kanyang trabaho bilang housekeeper sa kanilang bahay sa Shuagma Industrial Park Building, Room 507 sa Molino Boulevard, Brgy. Niog 3, Bacoor City.

Bunsod nito, bumalik siya sa bahay ng kanyang amo upang kunin ang kanyang mga gamit ngunit pagdating sa lugar ay ikinulong siya ni alyas Jason sa Room 507.

Nagawang makatakas ng biktima nang makahingi ng saklolo at ipinaalam sa pulisya ang insidente. (SIGFRED ADSUARA)

217

Related posts

Leave a Comment