Sa South Cotabato 1,000 EKTARYANG PANANIM NASIRA SA BAHA

SOUTH COTABATO – Nasa 1,021 ektarya ng mga pananim sa lalawigan ng South Cotabato ang nasira dahil sa pagbaha.

Ayon kay provincial agriculturist Dr. Raul Teves, sinira ng mga pagbaha ang ekta-ektaryang taniman ng mais, palayan at high value crops mula sa limampu’t-pitong mga barangay sa lalawigan.

Base naman ito sa datus na lumabas sa damage report ng Agriculture Office na ang kalamidad ay nakaapekto sa 578 magsasaka.

Pinakamatinding tinamaan ng kalamidad ang bayan ng Surallah kung saan nasira ang 617 ektarya ng mga pananim.

Bukod dito, ayon sa Provincial Agriculture Office, sinira rin ng baha ang maraming mga fishpond at inanod ang mga alagang hayop ng mamamayan.

Nasira rin ang 230 ektarya na pataniman sa Norala, may 75 ektarya sa Banga, 63 ektarya sa Tboli, at 29 ektarya sa Lake Sebu.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang assessment ng Provincial Agriculture Office ng South Cotabato hinggil sa pinsalang idinulot ng mga pagbaha sa sektor ng agrikultura sa lalawigan. (BONG PAULO)

594

Related posts

Leave a Comment