BAKUNA SA MGA NASA MECQ DARAGDAGAN

KAAGAD inaprubahan ng national government ang hiling ng ilang lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) classification na karagdagang vaccine allocation kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang mga lugar.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NTF against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na mayroon na talagang buffer stock para sa mga lugar na ito na itinuturing ngayong high risk.

Nagkaroon lamang aniya ng kakulangan sa stock ng bakuna ngunit walang dapat ikabahala dahil may paparating na aniyang malaking bulto ng Sinovac vaccine.

Sa kabilang dako, inaasahan naman ni Herbosa na agad idedeliber sa mga hotspot area ang mga bakunang ito sakaling dumating na sa bansa.

Kabilang aniya sa mga lugar na nangangailangan ng dagdag na COVID vaccine ang Ilo-ilo, ilang bahagi ng Visayas at Mindanao na nakitaan ng pagsirit ng COVID-19 cases. (CHRISTIAN DALE)

184

Related posts

Leave a Comment