HINDI nagmula sa NCR Plus ang mga kasong naitatala sa Visayas at Mindanao.
Ito ang iginiit ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng sumisipang kaso ng virus sa nasabing mga lalawigan.
Aniya, wala namang problema sa border control lalo’t napakatagal din namang nagkaruon ng travel bubble sa Metro Manila Plus.
Bunga aniya ng community transmission ang nakikitang pag- akyat sa kaso ng COVID-19 at dahil na rin sa pagkalat ng new variants.
Magugunitang, nag-lockdown ang NCR plus habang nai-record sa dalawang rehiyon ang pagtaas ng corona virus na nangangahulugan lang na iyon ay sanhi ng community transmission at hindi dahil sa problema sa border control. (CHRISTIAN DALE)
157 