TULOY-TULOY ang ang pagpaparami ng Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasunod na pagpapasinaya ng ika-117 sentro sa government-run hospital.
Ito ang tiniyak ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kahapon.
Sa pahayag, sinabi ni Go na nakatakda sa Malasakit Center law na dapat malagyan ng Malasakit Center ang lahat ng 72 DOH-run hospitals, PGH at provincial hospitals na makasusunod sa mga criteria na itinatakda ng batas.
Layunin aniya ng Malasakit Center na makatulong sa mahihirap na pasyente.
Ipinaalala ng mambabatas sa publiko na lumapit sa mga Malasakit Center dahil para ito sa indigent paitents na walang pampagamot.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 117 ang sangay ng Malasakit Center na sinimulan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabilang dako, nanawagan si Go sa mamamayan na hintayin ang magiging rekomendasyon ng mga health expert hinggil sa ipinatutupad na restrictions.
Ito ay kasunod ng mga rekomendasyon na puwede nang alisin ang paggamit ng face shield ng mga taong nabakunahan na. (ESTONG REYES)
