Solon sa pagpapasigla ng ekonomiya HEALTH PROTOCOLS GAWING PRAKTIKAL

HINILING ni Senador Panfilo Lacson na pasadahan ang mga umiiral na health protocols, katulad ng hindi bababa sa pitong araw na hotel quarantine requirement sa mga dumarating sa bansa, dahil nagiging hadlang ito sa pagbabalik ng dayuhang negosyante.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na kailangan mapabilis ang pagpapasigla ng ekonomiya kung tutugunan ng pamahalaan ang pagpapaluwag ng health protocols sa dumarating na Filipino at dayuhang mamumuhunan.

“This is one more reason for our authorities to make our health and quarantine protocols more responsive – and more importantly, more sensible. We should consider the plight of permanent residents in the Philippines who run small businesses here. They cannot make sense out of this requirement. Thus they may opt not to return here until the requirement is lifted,” ayon kay Lacson.

Bilang halimbawa, isiniwalat ni Lacson ang email buhat sa isang ganap nang bakunado na Swedish national na permanent resident sa Pilipinas at may negosyo rito.

Ayon sa Swedish national, iniisip nitong manatili muna sa Sweden hanggang maaari siyang umuwi kung wala nang “hotel quarantine.”

Ang Swedish national ay nakatakda nang magkaroon ng European Union vaccination/travel pass bunga ng ganap na pagbabakuna laban sa COVID-19. (ESTONG REYES)

199

Related posts

Leave a Comment