Sa Valenzuela City BAKUNA SA A5 PRIORITY GROUP SINIMULAN NA

SINIMULAN na nitong Hunyo 20 ang pagbabakuna sa mga nabibilang sa A5 priority group sa Valenzuela City.

Inaasahang 1,200 na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mababakunahan ng unang dose ng Pfizer vaccine.

Samantala, hanggang alas-8:00 ng gabi noong Hunyo 19 ay 20,427 na ang confirmed COVID cases sa Valenzuela at sa nasabing bilang ay 19,692 na ang gumaling. Hindi naman nadagdagan ang 527 pandemic fatalities ng lungsod.

Samantala, 208 ang active cases sa lungsod matapos na 43 ang nagpositibo sa virus at 90 naman ang gumaling. (ALAIN AJERO)

140

Related posts

Leave a Comment