NAKAPAGTALA ng isang namatay sa COVID-19 ang Navotas City noong Hunyo 20.
Pumalo na sa 10,976 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 10,532 na ang gumaling at 368 ang namatay.
Samantala, 76 naman ang active COVID cases sa lungsod nang pito ang gumaling habang walang iniulat na bagong nagpositibo sa virus.
Wala namang namatay dahil sa pandemya sa Malabon City sa nasabing petsa at nanatiling 443 ang COVID death toll sa lungsod, ayon sa City Health Department.
Sa kabuuan ay 13,379 ang positive cases sa Malabon, 98 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (4), Catmon (2), Concepcion (2), Hulong Duhat (3), Ibaba (2), Muzon (2), at Tinajeros (1).
Habang pito ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Baritan (6), at Concepcion (1). Sa kabuuan ay 12,838 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)
179 