SUSPEK SA CHILD ABUSE NASUKOL NG PNP-ZAMBALES

NADAKIP ng mga tauhan ni PNP-Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño ang isang suspek sa kasong child abuse sa Subic, Zambales.

Kinilala ni P/Col. Cardiño ang suspek na si Rhyan Onjadon y Cayabyab, residente sa Brgy. San Isidro, Subic, Zambales.

Noong Lunes Hunyo 21, dakong 5:19 ng hapon, ang Zambales Team, sa pangunguna ni P/Maj. San Juan Felmar D. Aquino, kasama ng mga operatiba ng CIDG-Olongapo CFU, ay masusing nagsagawa ng intelligence operations para matunton ang suspek sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (anti-child abuse law).

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gemma Therese B. Hilario, presiding judge ng RTC Branch 12, 3rd Judicial Region, Olongapo City, na may petsang Mayo 24, 2021.

Inirekomenda ng korte na maglagak ng halagang P200,000 bilang pynasa ang suspek para sa pansamantala nitong paglaya.

Napag-alaman, nangyari ang krimen noong Marso 3, 2021 sa Barangay San Isidro sa nabanggit na bayan.

Agad nagtago ng halos isang buwan ang suspek nang mabatid na naghain ng kaso ang pamilya ng biktima.

Makaraang marebyu ang kaso, agad iniutos ni P/Col. Cardiño sa kanyang mga tauhan ang pagtugis na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Ang arestadong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG lock-up jail.

224

Related posts

Leave a Comment