UMABOT sa mahigit P2 milyon ang dapat ilagak na piyansa ng isang 28-anyos na ginang makaraang madakip sa 40 counts ng kasong qualified theft noong Lunes sa Sta. Ana, Manila.
Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na kinilalang si alyas “Phoebe,” may asawa, accounting staff at residente ng Fabie St., Barangay 788, Sta. Ana, Manila.
Base sa ulat na isinumite ni P/Lt. Arniel Buraga, kay P/Lt. Col. Dennis Rodriguez, station Commander ng MPD-Station 10, bandang alas-4:30 ng hapon nang arestuhin ang suspek sa kanilang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Augusto Jose, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 233 ng Makati City.
Inirekomenda ng korte ang paglagak ng halagang P2,410,000 bilang pyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek sa kasong 40 counts ng qualified theft through falsification of commercial documents. (RENE CRISOSTOMO)
231 