5 DAGDAG SA CALOOCAN COVID DEATH TOLL

NADAGDAGAN ng lima ang COVID-19 death toll ng Caloocan City habang isa naman sa Valenzuela City noong Hunyo 21.

Mula 1,049 noong Hunyo 19 ay umakyat sa 1,054 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya sa Caloocan, nabatid sa City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit.

Pumalo na sa 37, 488 ang total confirmed cases sa lungsod at sa nasabing bilang ay 35,851 na ang gumaling, habang 583 ang active cases matapos na may 61 bagong nagpositibo sa virus.

Samantala, 20,489 na ang tinamaan ng COVID sa Valenzuela City. Sa nasabing bilang ay 19,765 na ang gumaling, 196 ang active cases at 528 ang namatay.

Wala namang iniulat na namatay sa dahil sa COVID sa Navotas at nananatiling 368 ang pandemic fatalities sa lungsod.

Sumampa na sa 10,980 ang nasapul ng pandemya sa siyudad, kung saan 10,538 na ang gumaling at 74 ang active cases.

Hindi rin nadagdagan ang 443 COVID casualties ng Malabon City ngunit 19 ang nadagdag na kumpirmado sa nasabing sakit. Sa kabuuan ay nasa 13,397 ang positive cases sa lungsod, 100 dito ang active cases.

Habang16 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 12,854 ang recovered patients ng Malabon. (ALAIN AJERO)

169

Related posts

Leave a Comment