MAGALONG MANANATILING TRACING CZAR

MANANATILING tracing czar si Baguio City Mayor Benjie Magalong.

Sa katunayan, ani Presidential spokesperson Harry Roque ay patuloy ang mga ibinibigay na pagsasanay o training ng alkalde sa iba’t ibang mga Local Government Unit (LGUs) para sa epektibong contact tracing system.

“Si Mayor Magalong pa rin po, at ang alam ko po ay patuloy ang kaniyang ginagawang training sa iba’t ibang mga LGUs para sa epektibong contact tracing system,” ani Sec. Roque.

Sinabi pa ni Sec. Roque na mahalaga ang ginagampanang papel ni Magalong lalo na at pinaghahandaan ng gobyerno ang pagdaragdag pa ng mga contact tracers.

Kabilang aniya rito ang additional contact tracers sa pinag- uusapan ngayong Bayanihan II at Bayanihan III.

“Naghahanda po tayo ng mga contact tracers na additional din ‘no bukod doon sa mayroon na tayo. At iyan nga po siguro ay kabahagi ng pag-uusapan ukol po sa Bayanihan II at Bayanihan III,” aniya pa rin.

Magugunitang, nadamay noon sa kontrobersiya si Magalong na nauwi sa paghahain nito ng resignation matapos na dumalo ito sa party ng vlogger na si Tim Yap kung saan ay inamin din nitong nagkaroon ng paglabag sa health protocol. (CHRISTIAN DALE)

103

Related posts

Leave a Comment