6 NADAKMA SA TUPADA NG TROPA NI CARDIÑO

“LEISURE cannot be equated to gambling. More so now that we are still confronting the wrath of the COVID-19 virus,” pahayag ni Zambales Provincial Director Romano V. Cardiño nang madakip ang anim katao makaraang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa Brgy. Baloganon, Masinloc sa nabanggit na lalawigan.

Noong Linggo, Hulyo 4, 2021, dakong 12:15 ng hapon, sa Kilometer 3, Brgy. Baloganon, Masinloc, Zambales, sa pamamagitan ng informant, ang mga operatiba ng PNP-Zambales Team Masinloc MPS, sa pangunguna ni P/Maj. Ramil M. Menor, Acting Chief of Police, ay nagsagawa ng intensive surveillance operation laban sa pagkalat ng illegal cockfighting sa lalawigan.

Inatasan ni Cardiño ang mga operatiba ng Masinloc MPS na arestuhin ang mga mananaya at organizer ng tupada sa nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Roen Egalla y Ela, Domingo Eduvane y Eala, Daniel Ebba y Eclevia, Melquiades Calindong y Saminyano, Niño Rufino Mozo y Viray at Toni Lann Magno y Gaboa.

Ang nabanggit na mga suspek ay naaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa Kilometer 3, Brgy. Baloganon, Masinloc, Zambales makaraang isumbong ng isang civilian informant.

Kabilang sa nakumpiskang mga ebidensya ang dalawang buhay na manok, dalawang patay na manok na may tari, at P5,7000 bet money.

Ang mga suspek na nakadetine na sa Masinloc MPS ay sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) at paglabag sa IATF Law on Social Distancing.

Dagdag ni Cardiño, “We would like to contain if not eradicate all forms of gambling in the province of Zambales. We are addressing this issue while it is still on a small-scale level because the repercussions of gambling can lead to more crimes if one gets addicted to it.”

159

Related posts

Leave a Comment