BI-NAIA EMPLOYEE, SIBAKIN SA PANGINGIKIL SA MGA DAYUHAN

POSIBLENG masibak sa serbisyo ang isang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa BI-Border Control Intelligence Unit (BCIU) na si alyas “GL” sakaling hindi nito magawa ang kanyang naipangako sa tatlong Chinese ­nationals na sila’y maipasok sa bansa matapos na sila ay harangin ng immigration sa NAIA Terminal 2 noong June 9.

Ang kinatawan ng kumpanya ng tatlo na Philippine Fiber Optic Inc. na nakabase sa bansa ay nakumbinsi umano ni GL na magbigay na lamang ng halagang isang milyong piso na “goodwill money” upang mailabas ang mga ito mula sa kanilang pagkakahold sa airport, kung kaya’t nauna nang humingi umano si GL na dalawang beses na P100K na panggastos at P600K cash.

Hanggang kasalukuyan, nakahold umano ang Chinese nationals na sina Luo Zhiping, Yang Weirin at Zhou Qiang sa passengers lounge ng Terminal 2 kung saan ay nabiktima ng tauhan ng BI-BCIU.

Pinaniniwalaang mahihirapan na umanong maibalik ni GL ang P800K na nasunog matapos paghatian ng kanyang mga kasabwat sa airport at sa BI-Legal Division na maaring maharap sa kasong kriminal na extortion, estafa at administrative case.

Dedepensahan kaya si GL ng kanyang kasabwat sa airport at BI main office, o ­maghuhugas kamay na naman ang kanyang mga ­opisyal, na wala silang alam sa iligalidad ng kanilang tauhan?

Ang BCIU at TCEU sa airport ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng BI Intelligence Chief at ng Office of the Commissioner.

Paging Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevara Sir!

Sampolan mo nga ito para naman may accomplishment ka sa pangulo laban sa katiwalian sa iyong ahensya dahil ito’y maaaring ipambutas ng mga kalaban ng administrasyon sa darating na halalan kung hindi kayo kikilos.

oOo

Para sa inyong Sumbong at Reaksyon, maari ninyo akong itext sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

245

Related posts

Leave a Comment