3 PA PATAY SA COVID SA CALOOCAN

TATLO pa ang nadagdag sa bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hulyo 17.

Mula 1,105 noong Hulyo 14, umakyat sa 1,108 ang total deaths sa lungsod, habang 350 ang active cases matapos na 19 bagong kaso ang naitala.

Pumalo na sa 38,954 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 37,496 na ang nakarekober.

Siyam naman ang nadagdag na confirmed cases sa Malabon City at sa kabuuan ay 13,678 ang positive cases sa lungsod, 78 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangay Baritan (4), Bayan-bayanan (1), Catmon (1), Hulong Duhat (2), at Tonsuya (1).

Habang 20 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Bayan-bayanan (1), Catmon (1), Flores (1), Ibaba (3), Tinajeros (9), Tonsuya (4), at Tugatog (1) at sa kabuuan ay 13,146 ang recovered patients ng Malabon ngunit hindi nadagdagan ang 454 COVID deaths.

Nakapagtala naman ng 157 ang active case sa Navotas matapos na 15 ang nagpositibo sa virus at 19 ang makarekober.

Sumampa na sa 11,231 ang nasapul ng pandemya sa lungsod at sa nasabing bilang ay 10,697 na ang nakarekober at hindi nadagdagan ang 377 death toll. (ALAIN AJERO)

82

Related posts

Leave a Comment