Boga inilako sa talipapa GUNRUNNER TIKLO SA UNDERCOVER

SWAK sa karsel ang hinihinalang gun runner makaraang bentahan ng baril ang isang undercover cop sa buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ang arestadong suspek na si Richard Banal, 31, ng Kadiwa 4, Brgy. San Roque, Navotas City.

Ayon sa ulat, may nagnguso sa mga parak na walang kiyemeng nagbebenta umano ang suspek ng baril sa gilid ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St., Brgy. Tañong kaya’t dagling isinagawa ng operasyon kung saan isang pulis ang umaktong buyer.

Nang matapos transaksyon ay dinaluhong ng mga operatiba ang suspek at nakumpiska ang isang cal. 22 revolver, limang bala at marked money. (ALAIN AJERO)

161

Related posts

Leave a Comment