NABIGO si dating Boac, Marinduque Mayor Pedrito Nepomuceno sa petisyon nito na kumukwestyon sa pagtatayo ng COVID-19 mega vaccination center sa loob ng Nayong Pilipino sa Parañaque City.
Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon “due to insufficient form and substance’.
Sa ‘writ of kalikasan petition’ ni Nepomuceno, sinabi niya na apektado ang nasa 500 puno sa Nayong Pilipino property sa pagtatayo ng vaccination site kaya dapat pigilan ang pagputol sa mga ito.
Hindi rin umano sumailalim sa Environmental Impact Analysis ang proyekto na mandatory at walang Environmental Compliance Certificate (ECC).
Nabigo rin si Nepomuceno na tukuyin sa petisyon ang mga batas pangkalikasan na malalabag at aktwal na pagkasira sa kapaligiran para magpalabas ang korte ng Writ of Kalikasan. (RENE CRISOSTOMO)
240 