2.5M DOSES NG BAKUNA TINIYAK PARA SA LGUs

TINATAYANG 2.5 million doses lamang ng bakuna laban sa COVID-19 ang maaaring ibigay ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs).

“Well gaya po ng sinabi ng resolusyon eh kung subject to supply po eh pagbibigyan naman po iyan. Pero ang alam ko po noong huling tinanong si Sec. (Carlito) Galvez, ang siguradong-sigurado eh

hanggang 2.5 million pero subject to supply. Titingnan po nila kung maabot nila ang 4 million,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni MMDA chair Benhur Abalos na handa silang ilarga ang bakunang makukuha ng LGUs mula sa pamahalaan.

Aniya, tinitingnan nila ngayon ang panahon ng tag-ulan lalo na ang panahon ng bagyo para maayos na maibakuna ang naturang bilang.

Bukod dito, mayroon din aniyang kagaya sa Manila at Quezon City na mayroon nang drive-thru vaccination. (CHRISTIAN DALE)

163

Related posts

Leave a Comment