HINDI na magpapalabas ang Local Government Units (LGUs) ng bagong quarantine pass na gagamitin sa dalawang linggong pagsasailalim sa Metro Manila (MM) sa ECQ simula sa Agosto 6 hanggang 20.
“Iyon pong tinatawag na quarantine pass. Kung ano ang pinractice noong araw ng mga local government units eh iyon na lamang po muna ang gagawin namin ngayon because mabilisan po kasi ito eh dahil we’re talking about 5 more days from now para mag-imprenta kami, mag-collate na naman kami ng mga pangalan, masyadong mabigat po,” ayon kay MMDA chair Benhur Abalos. (CHRISTIAN DALE)
185 