ECQ EXTENSION SA NCR ‘DI PA TIYAK

HINDI pa masabi ni Presidential spokesperson Harry Roque kung dapat o hindi na palawigin ang ECQ sa National Capital Region (NCR) na magtatapos sa Biyernes, Agosto 20, 2021.
Ang katwiran ni Sec. Roque, may ilang araw pa naman bago makita ang datos na pagbabasehan ng quarantine status sa NCR.

“Ang ating objective ay iyong sinasabi nating total health. bawasan iyong kaso pero hindi naman po pupuwedeng dadami iyong hanay ng mga magugutom,” ayon kay Sec. Roque.

“So, tingnan po natin ang datos mayroon pa po tayong mga araw noh? At sa tingin ko naman, alam na nating lahat ito po iyong parang third na pagtaas na ng mga kaso noh? Alam po natin na it takes about two weeks bago po magkaroon ng epekto iyong ating ECQ. At maski dumating po ang a-bente eh hindi pa po natin makikita iyong pagbaba noh? ‘Yan po ang ating naging karanasan sa dalawang pagkakataon na tumaas ang kaso natin at nag-ECQ rin po tayo,” aniya pa rin.

Samantala, wala pa ring rekomendasyon ang Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung palalawigin o hindi ang ECQ sa NCR.

“Wala pa pong rekomendasyon at nilinaw po ni Mayor Olivarez na bagama’t nagkaroon ng ulat sa isang pahayagan na ‘di umano ay nag-meeting na ang mga mayor, wala pa pong ganyang pagpupulong na nangyayari.” ayon pa sa kalihim. (CHRISTIAN DALE)

168

Related posts

Leave a Comment