20-DAY BREAK NG MALAMPAYA KASADO NA

HANDA ang pamahalaan sa 20-day break ng Malampaya Gas Field simula Oktubre 2 hanggang 22.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sa kabila ng kahandaan ay may kaakibat naman itong magandang balita na sa pagsasara ng Malampaya sa Oktubre ay hindi naman aniya nasa “peak” ang demand ng elektrisidad dahil ang mataas aniyang demand ng elektrisidad ay sa panahon ng tag-init kung saan ay gumagamit ng airconditioning at mga bentilador.

“So, inaasahan po natin na hindi naman po maaapektuhan ang ating supply ng ating kuryente at dahil dito, hindi maaapektuhan ang ating mga bakunahan,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, kasado na ang 20-day break ng Malampaya Gas Field simula Oktubre 2 hanggang 22.

Tiniyak ng operator ng wholesale electricity spot market na hindi magkakaroon ng kakulangan sa generating capacity sa nasabing panahon at wala itong magiging epekto sa power supply sa Luzon.

Batay sa Agosto 25 hanggang Disyembre 25 projection ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines, sapat ang supply ng kuryente at kakayaning suportahan ang demand requirement. (CHRISTIAN DALE)

110

Related posts

Leave a Comment