Pampakalma sa nag-aalburotong health workers SRA, BENEFITS IBIBIGAY NA

TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipamamahagi na ang special risk allowance at kompensasyon para sa health workers sa darating na Agosto 31.
Noong nakaraang linggo kasi ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management para bayaran ang lahat ng naantalang benepisyo ng health workers.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Senador Christopher Bong Go na na-release na ang P311 million para sa Special Risk Allowance ng healthcare workers.

Sinabi ni Go na inatasan na rin ni Pangulong Duterte ang DBM at
Executive Department na agad mag-release ng pondo kapag hindi pa rin ito sapat.

Ayon kay Go, entitled sa SRA ang health workers na nakatoka sa COVID-19 patients at response.

Sa ulat, tinatayang nasa P311 million ang hinihingi ng DOH para sa 20,156 health workers.

Ayon naman sa DBM, may mga nakikita nang pagkukunan ng pondo para rito.

Nauna na ring sinabi ng Private Hospitals Association na marami sa kanila ang matagal nang nakapagsumite ng requirements pero sadyang napakabagal ng proseso ng DOH.

Nagbabanta ng malaking protesta ang health workers kapag hindi naibigay ang kanilang benepisyo sa September 1. (CHRISTIAN DALE)

147

Related posts

Leave a Comment