FUTURE NG MGA ANAK NI KRISTOFFER KING WALANG KATIYAKAN

king5

(NI KC GUERRERO)

MY fave editor BenThought, ang kapwa editor mo na idol kong editor sa Yes magazine noon at over-all creator ng pep.ph, the leading online news portal, ay na-touched sa very factual/detached na coverage ng Kristoffer King tragedy.

‘Yun na ang latest and most-shared story ng pep.

Hindi naman nagpahuli ang SAKSI NGAYON. Kung hindi kay Jonathan Ang na nasa burol sa Rizal Funeral Homes the first night ay hindi kami naging close kay Joan Alegre a.k.a Nikki Reyes na may limang anak  kay Kristoffer Martin. Dalawa ay may Hunter’s syndrome: ang 18-year-old na panganay at ang 9-year-old na anak.

Ang moving sa Kristoffer King tragedy ay ang exclusive photos namin. Destiny ang  pagkasabay namin kay Coco Martin sa lamay.

Naghatid kami ng mga inabuloy ng mga press people na nakalap namin sa pa-birthday party ni Cong. Yul Servo sa 77 Scout Limbaga resto.

Naholdap din nga ng inyong lingkod ang producer ng T-Rex (produ ng Deadma Walking at soon to be released na Arci Munoz at JC Santos starrer).

Inihatid namin ang nalikom namin sa mga kapwa editors at mga may mga ginintuang puso na press people.

Ramdam ni Joan Alegre ang pakikiramay namin at ni Coco Martin kaya nag-iiyak siya sa sobrang pasasalamat.

Nasa post pa ni Nikki/Joan ang kanyang sobrang pasasalamat, Ben Bañares, na may utang ka rin sa  “fund for the children of Kristoffer King.”

Magpapasimula rin ang mga taga-pep sa pamumuno ni Ma’am Joan Maglipon ng “fund” para sa mga naiwan ni Cinemalaya Best Actor.

Sobrang touched nga si Joan sa trahedya at sa artikulo ni Jerry Olea kaya napaiyak din ito.

Salamat din sa unang manager ni Coco Martin na nagpadala ng dolyares para sa  mga naiwan ni Kristoffer King.

Kahit kasi sagot na lahat ni Coco Martin ang naiwang hospital bills at nagkaroon na ng death certificate at tuloy na tuloy na ang interment, napaka-uncertain pa rin ng future ng kanyang biglang naiwan na mga children. Dumalaw rin kamakalawa sa burol ang dalawang batikang direktor na sina Joel Lamangan at Armand Reyes.

Sabi nga ni Rodel Nacianceno a.k.a Coco Martin nang naka-one-one ko bago siya pumasok sa Rizal Funeral Homes: “Hindi ko puwedeng pabayaan si Kristoffer. Kapamilya ko siya. Kapatid sa hanapbuhay!”

Antig kami much sa dakilang puso ng bida ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” na namamayagpag pa rin sa ratings.

 

 

250

Related posts

Leave a Comment