ACTIVE COVID CASES SA CALABARZON 37K NA

PUMALO na sa mahigit 37,000 ang aktibong kaso ng nakakahawang coronavirus disease sa buong lalawigan kasunod ng pagtatala ng 4,692 bagong kaso nito lamang Biyernes.

Bunsod nito, muling nanawagan ni Department of Health – Calabarzon regional director Eduardo Janairo sa publiko na sundin ang standard public health safety protocols lalo pa’t higit na

mabagsik ng mutated strain ang patuloy na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng bansa – kabilang ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Sa kabuuang tala ng DOH-Calabarzon, mayroong 37,197 na pasyente ang patuloy pang nilalapatan ng lunas makaraang magpositibo sa COVID-19.

Sa buong rehiyon, pinakamarami ang naitalang bagong kaso sa Cavite na may 2,236. Sinundan naman ito ng Laguna na may 932 bagong kaso habang sa Batangas 931, Rizal 355 , Quezon 183 at Lucena City 55.

Nakapagtala din ng 3,507 recoveries samantalang 124 ang naitalang pumanaw na.

Dagdag pa ni Janairo, higit na kailangan ang proteksyon laban sa bakuna – “Dapat palaging isaisip na ang bakuna ay proteksyon hindi lamang sa tuturukan kundi maging sa pamilyang kanyang inuuwian.” (CYRILL QUILO)

111

Related posts

Leave a Comment