2 ANAK MINANYAK NI TATAY

BATANGAS – Sukdulang atungal sa likod ng rehas ang larawan ng isang 33-anyos na ama makaraang ipahuli mismo ng kanyang kabiyak bunsod ng sumbong ng paulit-ulit na panggagahasa nito sa dalawang anak na babae sa bayan ng Tuy.

Ayon sa pulisya, edad 10 at pitong taong gulang ang mga biktima ng paulit-ulit na panghahalay na nagsimula pa 2017.

Sa salaysay ng ina ng mga biktima, nagaganap ang panghahalay sa tuwing siya’y aalis sa kanilang tahanan para maghanapbuhay. Gayunpaman, hindi naman nabanggit sa ulat ng pulisya kung paano at kailan niya nadiskubre ang pagsasamantala ng kanyang asawa.

Ayon kay Police Major Von Gualberto, hepe ng Tuy PNP, walang inilaang piyansa sa kasong isinampa nila laban sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa kanilang himpilan habang hinihintay pa ang commitment order mula sa korte.

Kaugnay nito, isinailalim naman ang dalawang batang biktima sa psychological counseling bilang bahagi ng programang inilaan ng Municipal Social Welfare and Development Office para sa mga kabataang biktima ng pang-aabuso. (CYRILL QUILO)

454

Related posts

Leave a Comment