MAGSASAKA ITINUMBA NG KUMPARE

NUEVA ECIJA – Tatlong beses na pinagbabaril nang malapitan ang isang 50-anyos na magsasaka ng kumpare nito noong Linggo ng gabi sa Purok 4, Brgy. Sta. Barbara sa bayan ng San Antonio sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ni P/Major Roderick Corpuz sa tanggapan ni Mayor Arvin C. Salonga, kilala ang biktimang si Benito Paderan De Luna, residente ng naturang lugar.

Lumitaw sa imbestigasyon ni P/Cpl. Aldrin T. Pe Manuel, dakong alas-8:00 ng gabi, kasama ng biktima sina Wilbert Punzalan, 20; Willie Punzalan, 27, at Catalino Capulong, 61, pawang mga residente ng Purok 1, Brgy. Sta Barbara, San Antonio, na nag-aayos ng hinakot na mga sako ng palay.

Bigla umanong dumating ang suspek na si Joselito Gatos, residente rin sa naturang barangay, at pinagbabaril si De Luna.

Pagkaraan ng pamamaril ay agarang tumakas ang suspek lulan ng tricycle.

Sa pang-unang imbestigasyon ng mga awtoridad, inggit o selos ang nakikitang dahilan ng pamamaslang sa biktima. (EDDIE DE LUNA)

409

Related posts

Leave a Comment