CAVINTI, Laguna – Samu’t saring pampasabog na karaniwang gamit sa terror attacks ang nasamsam ng mga militar sa isang operasyon sa liblib na bahagi ng Barangay Umiray sa bayan ng General Nakar, lalawigan ng Quezon.
Paniwala ni 202nd Infantry Brigade Commander Colonel Cerilo Balaoro, malaking dagok sa hanay ng New People’s Army ang kanilang nasamsam na mga pampasabog na ayon sa kanya ay nakatakdang gamitin ng mga rebelde sa paghahasik ng terorismo.
Kabilang sa kanilang nakumpiska ay 20 anti-personnel mines, 15 anti-vehicle mines, 340 rounds ng mga bala ng caliber .30 at iba pa.
Ani Balaoro, malinaw na nilabag ng mga rebelde ang International Humanitarian Law na mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng land mines.
Malaking bagay rin aniya ang pakikipagtulungan ng mga dating rebelde sa pagkakatunton nila ng mga nakumpiskang pampasabog.
“This is a good indication that many former NPA members have come to their senses and are now helping the government to end this communist armed conflict. I urge the remaining NPA members to surrender since the government is committed to help you start a new, free, and peaceful life with your families,” saad ni Balaoro.
Nito lamang nakaraang buwan, nakubkob din ng mga military ang isang bahagi ng Barangay Umiray kung saan naman nila narekober ang isang M60 machine gun, M203 rifle grenade, mga piyesa ng M16 rifle, mga magazine ng M14, radio transceivers at santambak ng bala.
Nito lamang nakaraang buwan, nakubkob din ng militar ang isang bahagi ng Barangay Umiray kung saan naman nila narekober ang isang M60 machine gun, M203 rifle grenade, mga piyesa ng M16 rifle, mga magazine ng M14, radio transceivers at santambak ng bala. (CYRILL QUILO)
220 