HINDI aalisin ang ibinibigay na prayoridad ng gobyerno para sa mga nasa A1 hanggang A3 group kapag nagsimula na ang pagtuturok ng bakuna sa general public.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi mawawala ang priority para sa health workers, mga senior at para sa mga may comorbidities.
Mananatili aniya ang pagkakaroon ng express lane para sa tatlong nabanggit na priority group.
“Iyong mga A1, A2, A3 hindi naman po mawawala ang kanilang priority,” ayon kay Sec. Roque.
Inaprubahan na rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabakuna sa mga kabataan partikular ang mga nasa edad dose hanggang 17 sa susunod na buwan.
Ang “basbas” sa pagbibigay na ng bakuna para sa lahat at mga kabataan ay ginawa ng Chief Executive dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng bakuna na darating sa bansa. (CHRISTIAN DALE)
299 