Hirit sa IATF 5-7 DAYS QUARANTINE SA VACCINATED TRAVELERS

HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) na iklian ang quarantine period para sa incoming travelers na bakunado laban sa COVID-19.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isinasapinal na nila ang plano na paikliin ang quarantine period ng lima hanggang pitong araw.

“‘Yong iba earlier during this thing COVID came in, they were talking about the incubation period of about seven days lang… I may be wrong, I may have misheard pero kung totoo ‘yan eh 7 days na lang para kasi pagpasok niyan, it will manifest sa katawan mo within 7 days… Beyond that, medyo wala na, ‘yan ang sabi nila,” ayon sa pangulo.

Naaawa na kasi ang pangulo sa overseas Filipino workers (OFWs) na sumasailalim sa quarantine period ng sobrang haba.

Nagbiro rin ang pangulo na kung nais ng isang indibidwal na makaranas ng hotel services ay magpahawa lamang ito ng virus. (CHRISTIAN DALE)

122

Related posts

Leave a Comment